CAVITE, Philippines — Kinarit ni kamatayan ang dalawa katao habang 20 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng suwagin ng isang delivery truck na puno ng buhangin ang 12 na sasakyan sa Mendez, Cavite nitong Martes ng umaga.
Ang mga nasawi ay nakilalang sina Rolando Ligsa at Roger Santos; pawang nasa hustong gulang at idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng ma-tinding pinsalang tinamo sa katawan.
Samantala, inaalam pa ang pagkakakilanlan ng may 20 sugatang biktima na nilalapatan ng lunas sa ospital.
Arestado naman si Romeo Sevilla, driver ng delivery truck na puno ng buhangin na sumuyod sa behikulo na sinasakyan ng mga biktima at tubong San Miguel, Bulacan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni P/Corporal Christian Espiritu, may hawak ng kaso, dakong alas-7:15 ng umaga sa kahabaan ng JP Rizal St., Mendez, Indang Road, Brgy. Poblacion 2 ng nabanggit na munisipalidad.
Base sa imbestigasyon, magde-deliver sana ng buhangin si Sevilla sa nasabing lugar nang mawalan ng kontrol sa manibela sa minamane-hong truck na puno ng buha-ngin at nahirapang magpreno.
Dahil dito, inararo ng trak ang 12 sasakyan na nasa unahan nito na ikinasawi ng dalawa katao at ikasugat ng 20 iba pa.