4 Sayyaf, sundalo utas sa Sulu encounter
SULU, Philippines — Apat na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo ang patay habang 9 pa ang sugatan sa umaatikabong engkuwentro kamakalawa sa Patikul, Sulu.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Min-danao Command (Westmincom) Spokesman Major Arvin Encinas.
Ayon kay Encinas, dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang sagupaan sa pagitan ng militar at ASG sa Sitio Tambang, Brgy. Kabbon Takas, Patikul.
Sa ulat, nagsasagawa ng joint military operation ang Joint Task Force Sulu, 32nd Infantry Battalion at 12th Reconnaissance Company sa nasabing lugar nang makasagupa nila ang nasa 40 teroristang ASG sa ilalim ni sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.
Tumagal ang nasabing engkuwentro ng 30 minuto at nagresulta sa pagkamatay ng apat na bandido, isang sundalo at pagkakasugat ng 9 pang sundalo.
Narekober ng tropa ng militar sa lugar ang bang- kay ng hinihinalang isa sa apat na napatay na miyembro ng ASG, isang M16 rifle at mga personal na gamit ng mga tumakas na terorista.
“The spotted crumbs of human flesh and bloodstains in the encounter site are indicatives of ASG’s enormous casualties other than the cadaver reco-vered,” pahayag ni Brigadier General Antonio Nafarrete, commander ng 101st Brigade.
Sinabi ni Nafarrete nagpapasalamat sila sa ibinigay na impormasyon ng mga sibilyan sa presen-sya ng mga bandido sa kanilang komunidad.
- Latest