MANILA, Philippines — Isang buwan matapos mabaril, pumanaw na ang mamamahayag na si Abdul Kadir “Benjie” Caballero sa ospital.
Matatandaan na si Caballero ay binaril habang naghihintay ng masasakyan sa tapat ng kanilang inuupahang boarding house sa Tacurong City noong Oktubre 30 at nagtamo ng iba’t-ibang tama ng bala ng baril sa dibdib.
Kaagad inoperahan sa ospital ang biktima subalit nanatiling nasa kritikal na kondisyon hanggang sa bawian ito ng buhay kamakalawa ng gabi.
Si Caballero ay station manager ng Radyo Ni Juan sa Tacurong City, Sultan Kudarat at miyembro ng National Union of Journalists of the Philipines (NUJP) Kidapawan chapter.
Nilinaw naman ng kapatid ng biktima na si Gladys Caballero na ang ikinamatay ng kapatid ay hindi dahil sa tama ng bala ng baril kundi dahil sa pneumonia.