Kotse sinuwag ng tren: Bebot todas, isa sugatan
LAGUNA, Philippines — Patay ang isang babae habang sugatan naman ang kanyang kasama matapos na mabangga at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang kotse nilang sinasakyan kamakalawa ng gabi sa Biñan, Laguna
Kinilala ni Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan police, ang nasawing biktima na si Mary Jane Valenzuela, 21 anyos, na dead on arrival sa ospital, at si Joel Pablo, 28 taong gulang, na naka-confined pa rin.
Lumalabas sa imbestigasyon na patawid ang mga biktima sakay ng kanilang Toyota Altis sa Halang crossing ng PNR nang mabangga ng tren ang kanilang kotse.
Ayon kay Mendoza, posibleng hindi napansin ng driver na si Pablo ang paparating na tren dahil nag-uusap sila ni Valenzuela kaya nabangga sila.
Mayroon naman umanong cross keeper na naka-duty sa Halang crossing nang maganap ang insidente subalit pinilit pa rin tawirin ng sasakyan kaya nabangga.
Inabot ng pitong oras bago maalis sa sasakyan ang katawan nina Valenzuela.
Samantala, nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries ang mga driver ng tren na sina Ryan Arias at Jay Constantino.
- Latest