28 ROTC cadets naospital sa kinaing panis na kanin
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Isinugod sa isang ospital ang 28 kadete ng Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ng Isabela State University matapos bumaligtad ang tiyan sa food poisoning dahil sa pinakain sa kanilang panis na kanin sa Roxas, Isabela kamakalawa.
Ayon kay ni Dr. Quirino Parallag, Campus Administrator ng ISU Roxas Campus, masansang na ang amoy ng kinain ng mga biktima na kanin na sinasabing sanhi ng pagkalason.
Nabatid na nakaramdam ng matinding pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pagtatae ang sampung babae at labing walong lalaking Kadete na umano’y nagtiyagang kainin ang isinilbing pagkain dahil sa matinding gutom.
Isinailalim sa pagsisiyasat ng awtoridad ang caterer ng ROTC upang matukoy ang pananagutan nito sa mga biktima.
- Latest