^

Probinsiya

Oil plant sa Pampanga nasunog, sumabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Oil plant sa Pampanga nasunog, sumabog
Sa ulat ng Pampanga Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa oil plant ng Sunflare Industrial Corporation na matatagpuan sa Brgy. San Pablo Libutad ng nasabing bayan.
The STAR/File

PAMPANGA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang oil plant na naging sanhi rin ng malalakas na pagsabog sa bayan ng San Simon, Pampanga nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Pampanga Police, dakong alas-11:30 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa oil plant ng Sunflare Industrial Corporation na matatagpuan sa Brgy. San Pablo Libutad ng nasabing bayan.

 Nabatid na sa naturang oil plants kino-converts ang mga used oil sa diesel sa loob ng planta.

Ayon kay Police Staff Ser­geant  Jay dela Cruz, ng San Simon Municipal Police Station (MPS), nagkaroon ng sunog sa planta nang magkailaw kasunod ng  brownout sa lugar.

Kasunod nito, ang ilang malalakas na pagsabog ang narinig sa naturang planta.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente dahil ang naturang planta ay may ilang kilometro ang layo sa mga residential area.

Mabilis na naapula ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero at idi­neklarang under control ang sunog dakong alas-12:10 na ng madaling araw.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang may-ari ng planta hinggil sa insidente habang patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito.

vuukle comment

JAY DELA CRUZ

PAMPANGA POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with