SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Labing-dalawang katao kabilang ang dalawang “top most wanted” sa batas sa Isabela at Cagayan ang inaresto ng mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni P/Brig.Gen. Angelito Casimiro, police regional director, ang mga nadakip na sina Franklin Guillermo, 64-anyos, top 5 most wanted sa Isabela dahil sa kasong murder, at Stephen Dee, 25-anyos, top 10 most wanted ng Tugue-garao City, Cagayan.
Kinilala naman ang 10 iba pa na nahuli sa magkakaibang lugar na sina Wilson Tamang, 31, ng Brgy. Panninan, San Mariano, Isabela; Jennifer Labang, 42, ng Brgy. Balzain West, Tuguegarao City; Francisco Abriam, 78, ng Divisoria Sur, Maddela, Quirino; Edralin Garcia, 27, ng San Felipe, Ilagan City, Isabela; Jhon Tungpalan, 15, ng Brgy. Panang, San Agustin, Isabela; Erwin Pagtulingan, 54, ng Brgy. Calaocan, Bambang, Nueva Vizcaya; Romel Padre, 31, ng Brgy. Bubug, Sto. Tomas, Isabela; Frelyn Pabon, 39, ng Del Pilar, Alicia, Isabela; Elmo Tania, 33, ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela, at Nestor Martin Jr, 35, ng Brgy. San Antonino, Burgos, Isabela
Dahil dito, pinuri ni Casimiro ang mga operatiba ng pulisya sa matagumpay na operasyon sa kanilang nasasakupan.