^

Probinsiya

Rider todas sa motor crash

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines – Isang 24-anyos na rider ang patay matapos na sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo nang mabangga ang isang walang ilaw na “road signage” sa ginagawang kalsada sa kahabaan ng Pangasinan-Nueva Ecija Road sa Barangay Sto. Rosario, bayan ng Sto. Domingo, NE, noong Martes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Gilbert Mariano, 24, ng Barangay Baloc, Sto. Domingo, NE, na idineklarang dead-on-arrival sa Talavera General Hospital sanhi ng matinding pinsala na tinamo sa kanyang ulo at katawan. Ayon sa ulat, ang biktima ay ga-ling sa Guimba, NE at papuntang Talavera sakay ng isang Micro-bike motorcycle alas-9 ng gabi pero pagsapit nito sa ginagawang kalsada ay nasalpok nito ang road signage sanhi upang siya ay sumemplang. Sa ocular inspection ng pulisya, lumalabas na madilim ang lugar at maaari umanong managot ang kontraktor ng ginagawang kalsada sa hindi paglalagay nito ng ilaw sa signage na nabangga ng biktima na kanyang ikinamatay. 

vuukle comment

GILBERT MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with