^

Probinsiya

Pagtatayo ng sanitary landfill sa Laguna, tinututulan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pagtatayo ng sanitary landfill sa Laguna, tinututulan
Ang itatayong sanitary landifill sa Alaminos ay sinasabing tatanggap ng mga basura mula sa Calabarzon at Metro Manila.
Joven Cagande/File

MANILA,Philippines — Nagpasaklolo na sa House Committee on Envi­ronment and Natural Resources ang mga residente ng Alaminos, Laguna para silipin ang pagpasok ng isang Malaysian company na magtatayo ng isang sanitary landfill doon.

Sa isang manifesto na nilagdaan ng mga residente kabilang si dating Liga ng mga Barangay-Secretary General at Sangguniang Panlalawigan Chairman Lorenzo Boy Zuniga, ipina­alam na ng punong bayan sa Sangguniang Bayan ang pagtatayo ng sanitary landfill na pag-aari ng Berjaya na isang Malaysian company. Subalit tikom umano ang bibig ng pamahalaang bayan sa naturang proyekto matapos na ring mabatikos sa social media, kaya nanga-ngamba sila dahil maaaring mabulaga na lamang sila at operational na pala ang landfill.

Ang itatayong sanitary landifill sa Alaminos ay sinasabing tatanggap ng mga basura mula sa Calabarzon at Metro Manila.

“Hindi po economic growth driver ang isang sanitary landfill, wala po tayong maaasahang kaunlaran dulot nito sa bayan, ang mga barangay na pagtatayuan nitong basurang ito ay wala nang pag-asang umangat at puntahan ng mga mamumuhunan, death sentence po ito sa ekonomiya ng mga barangay,” saad sa manifesto.

Giit ni Zuniga, lubhang mapanganib sa buhay at kalusugan ng mga mamamayan ang magiging bunga ng landfill dahil posibleng ku-malat ang airborne diseases, irreversible environmental degradation at ang pinsala din nito sa mga bukal dahil wala naman umanong 100% leak proof ang mga landfill. Nangangamba rin sila sa kanilang kaligtasan dahil sa malalaking truck na dadaan sa mga kalsada at walang sapat na road network ang lalawigan para daanan ng mga dambuhalang sasak-yan.

SANITARY LANDIFILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with