Makabagong pagsasaka inilunsad
MANILA, Philippines — Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang makabagong pagsasaka para sa mga millenials.
Sinabi ni Quezon Governor Danilo Suarez, sa ngayon ay matatanda na ang mga magsasaka kung saan nasa age bracket na ito ng 70 pataas.
Giit ni Suarez, dapat na maibaba ang nasabing edad sa 20-25 anyos kaya kailangang hikayatin ang mga kabataan o millenials na pumasok sa industriya ng pagsasaka sa pamamagitan ng ‘modern day farming” para na rin sa bagong henerasyon.
Paliwanag ni Suarez, sa ilalim ng modern day farming ay nahahawakan na nila ang equipment sa pagsasaka habang umaalalay naman ang provincial agricultural para sa organic farming ng mga kabataan at binibigyan sila ng mga pasimulang pananim gayundin ang mga biik. Ang lokal na pamahalaan na rin aniya ang maghahanap ng mga produktong pagdadalhan sa merkado at kung saan ito maaaring ibenta. Mahalagang mamulat aniya ang mga kabataan sa kahalagahan ng agrikultura kaakibat ng makabagong innovation at masiguro ang murang pagkain, mais, niyog, gulay, prutas, gayundin ang kape at ube.
Layon din umano nito na mapasigla ang industriya ng niyog at iba pang produkto mula sa niyog na magbibigay ng kita sa mga magniniyog at magsasaka.
- Latest