^

Probinsiya

2 tigok sa bagyong Quiel

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 tigok sa bagyong Quiel
Ang mga nasawing biktima ay sina Eljay Dallego,10, nasawi sa pagkalunod sa Brgy. Bagsac, Mapulapula, Claveria, Cagayan at Augusto Achagan, 36, namatay naman sa landslide.
Courtesy of Ivy Rose delas Alas/File

8 bayan sa Cagayan lubog sa baha

MANILA, Philippines — Walong bayan sa lalawigan ng Cagayan ang lumubog sa baha habang dalawa naman katao ang nasawi sanhi ng malalakas na pag-ulan na dulot ng tropical depression Quiel at tail end of the cold front, ayon sa opisyal kahapon.

Ang mga nasawing biktima ay sina Eljay Dallego,10, nasawi sa pagkalunod sa Brgy. Bagsac, Mapulapula, Claveria, Cagayan at Augusto Achagan, 36, namatay naman sa landslide.

Sinabi ni Office of Civil Defense (OCD)Region 2 Director Dante Balao, kabilang sa mga lugar na apektado ng mga pagbaha ay ang mga bayan ng Allacapan, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, Sta. Praxedes, Abulug, Ballesteros at Baggao.

Sinabi rin ni  Balao na nasa 2,373 pamilya o katumbas na 8,185 katao mula sa 84 barangays sa mga nasabing bayan ang binaha kung saan ang mga ito ay inilikas sa mga evacuation center habang ang iba naman ay nakituloy sa kanilang mga pamilya sa mga ligtas na lugar.

Samantalang naapektuhan naman ng landslide ang highway sa Santa Praxedes kung saan nagsagawa ng clearing operations ang mga otoridad.

Nagsuspinde na rin ng klase sa lahat ng antas sa nabanggit na mga bayan maliban na lamang sa Allacapan at Pamplona na pre-school  hanggang senior high school lamang ang sinuspinde dulot ng masamang lagay ng panahon.

QUIEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with