^

Probinsiya

Cell site inatake ng sintu-sinto

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao city,  Cagayan, Philippines — Pansamantalang naudlot ang serbisyo ng komunikasyon ng isang malaking network nang pasukin at sirain ng isang mister na sintu-sinto o hinihinalang may diperensya sa pag-iisip ang kanilang cell site sa Brgy. 29 San Juan, Pasuquin, Ilocos Norte noong Lunes.

Sa report ng pulisya, masarap ang tulog at naghihilik pa ang suspek na si Jimmy Ramos, 30, ng Brgy. Sta. Matilde nang datnan ng caretaker ng lugar na si Reyno Sabio, 55, dakong alas-6:00 ng umaga.

Nadiskubre na sinira ni Ramos ang padlock papasok sa cell site saka sinunod na sinira ang battery terminal, battery cable, starter relay, circuit breaker at alarm box ng pasilidad.

 Isinuko ni Sabio si Ramos sa mga nagrorondang barangay tanod na nagdala sa kanya sa police station upang ikustodya. Naibalik naman kaagad ang serbisyo ng pasilidad matapos na maayos ang mga nasirang kagamitan.

CELL SITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with