Villegas tatanggap ng Gawad Plaridel Award

MANILA, Philippines — Tatanggap ng Gawad Plaridel Award ang pinuno at nagtatag ng Citizen Watch na si Atty. Jose Malvar Villegas Jr. dahil sa kanyang pagtatanggol sa karapatan ng mga mahihirap.

Ang titulong “Manananggol ng Bayan” ay igagawad kay Villegas ng Association of Phi­lippine Journalists na itinatag ng yumaong mamamahayag na si Max Soliven sa Oktubre 27 sa Marcelo H. Del Pilar Shrine sa San Nicolas, Bulacan.

Kasama ni Villegas na tatanggap ng parehong parangal ang abogadong si Pete “Bitay” Principe, pinunong ta­gapagtanggol ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Show comments