^

Probinsiya

Ate nambato ng remote control, nilaslas ni utol

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines – Patay agad ang isang ate na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip, nang gilitan sa leeg ng kanyang na­kababatang kapatid sa loob ng garahe ng kanilang tahanan sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center ang biktimang si Rodelyn Magas, 50-anyos, habang naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Roberto Magas, 48, kapwa residente ng Lopez Ville Subdivision, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-7:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng magkapatid na Magas.

Bago ang krimen ay inutu­san umano ni Roberto si Rodelyn na patayin na ang telebis­yon ngunit ikinaga­lit umano ito ng biktima at pinagmumura ang nakababatang kapatid at saka binato ng remote control ng TV.

Hindi naman nagustuhan ng suspek ang ginawa ng kanyang ate at kaagad niyang kinaladkad patungong garahe saka ginilitan sa leeg at pinagsasaksak.

Sa tulong ng mga rescue team ng Brgy. Mayamot ay isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon sa mga kaanak, ang biktima ay dumaranas ng malalang karamdaman sa pag-iisip simula pa noong 1998 at lumala pa ito nang sumailalim sa brain surgery, may tatlong buwan na ang nakalilipas.

NILASLAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with