MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkalat ng epidemya ng swine flu, hindi natakot ang isang binata makaraang gahasain umano nito ang isang baboy na gagawing inahin ng kanyang kapitbahay sa Brgy. Bolaoen, Sual, Pangasinan, nitong Biyernes.
Nasa kustodya na ng pulisya ang suspek na si Rommel Marimla, 21-taong gulang, obrero at residente sa nasabing lugar.
Sa ulat ng Pangasinan Provincial Police Office, ang suspek ay inaresto matapos ireklamo ng overseas Filipino worker (OFW) na si Jomar Austria, 41-anyos, may-asawa residente sa lugar at may-ari ng ginahasang baboy.
Sa reklamo ni Austria, madaling araw ng nasabi ring araw nang marinig nito ang ingay ng alagang 8-buwang gulang na babaeng baboy sa pig pen sa likod ng kanilang bakuran.
Sinabi ni Austria na ang alagang baboy ay gagawin nitong inahin at ibebenta para may dadgag kita. Laking gulat umano niya nang pagbuhay ng ilaw ay makita sa akto ang suspek na nakapatong sa alagang baboy.
Sinabi naman umano ng suspek na hindi niya minolestya ang baboy kundi pinasakan lamang nito ng kahoy ang ari nito.
Dahil sa insidente, nakitaan ang baboy ng pamamaga at pagdurugo sa kanyang ari.
Nabatid na lasing ang suspek nang maganap ang sinasabing panghahalay sa baboy.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act at grave scandal.