Stand-up comedian sakote sa Boracay
MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang stand-up comedian matapos masangkot sa human trafficking sa isinagawang operasyon ng mga operatiba ng pulisya sa isang pantalan sa Boracay Island, Malay, Aklan nitong Lunes ng gabi. Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director P/Brig. Gen. Rene Pamuspusan, kinilala ang suspek na si Richard Sausa, 42-anyos, taga-Tanza, Iloilo at pansamantalang nanunuluyan sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manoc-Manoc ng nasabing isla. Bandang alas-6:30 ng gabi nang makorner at arestuhin ng mga operatiba ng Malay Police Station si Sausa sa Tabon Port, Caticlan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified human trafficking na ipinalabas ni Presiding Judge Bienvenido Barrios Jr., ng 6th Judicial Region Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang Agosto 28, 2019. Walang itinakdang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
- Latest