AWOL na sundalo, utas sa ambush

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Christian Roselin Nocomora, 31-anyos, residente ng nasabing barangay at dating kasapi ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Tula-Tula, Ligao City.
File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta sa kalsada ang isang dating sundalo na natanggal sa serbisyo dahil sa pag-AWOL (absence without official leave) matapos pagbabarilin ng hindi nakila­lang armadong kalalakihan habang lulan ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang bahay sa Brgy. Bariw, Libon ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot dahil sa tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Christian Roselin Nocomora, 31-anyos, residente ng nasabing barangay at dating kasapi ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Brgy. Tula-Tula, Ligao City.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi habang binabagtas ng biktima sakay ng motorsiklo ang barangay road pauwi sa kanilang bahay nang big­lang sumulpot sa kanyang daraanan ang mga suspek saka siya pinagbabaril.

Patay na bumagsak sa kalsada ang biktima habang agad na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon. Nakuha sa lugar ng pamamaril ang pitong basyo ng bala ng kalibre .45 at 28 basyo ng bala ng M16 armalite rifle.

Show comments