100 litsong baboy pinagsaluhan sa Nueva Vizcaya
Walang ‘African swine fever’
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines —Sa kabila ng napabalitang African Swine fever ay hindi pa rin ito na-ging hadlang para ihanda ang 100 litsong baboy para sa libu-libong mga residente, lokal na turista at mga mi-yembro ng isang pananampalataya na dumagsa at nakibahagi sa “Lechon Festival” sa Brgy. Bonfal East sa bayan na ito kahapon.
Ayon kay Dr. Josue De Guia, o kilala bilang (Kuya) Tal, religious administrator ng Vucal ng Pananampalataya, ang ika-13 taon na Lechon Festival ng kanilang grupo ay kasabay ng paggunita sa ika-88 anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang yumaong ama na si Dominador “Couya Do-ming” De Guia, ang kilalang spiritual leader ng Vucal ng Pananampalataya.
Ayon kay Tal, nag-umpisa ang kanilang grupo na maghanda ng 10 litson sa unang taon ng kanilang anibersaryo na sinundan ng 15 sa ikalawa taon, 50 sa ikatlong taon at 100 litson na baboy sa mga nakalipas na taon dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga bisita mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Bukod sa pinagsaluhang mga lechong baboy, nabigyan ng pagkakataon ang mga bisita at mga turista na masilayan ang kagandahan ng lalawigan kabilang na ang tanyag na Señora Falls na kabilang sa nasasakupan ng 500-hectares na inalagaan ng Vucal.
- Latest