P10 milyon ayuda sa biktima ng bagyong Ompong sa Isabela, ipinamahagi

MANILA, Philippines – Mahigit P10 milyong livelihood assistance cash grant ang ipinamahagi ng Philippine National Red Cross sa 927 pamilyang nasalanta noong 2018 typhoon Ompong sa bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa.

Sinabi ni First District Congressman Antonio “Tonypet” Albano na siyang Chairman of the Board ng Isabela PNRC na magagamit ng benepisyaryo ang pera para sa pag-umpisa ng kabuhayan mula nang maapektuhan ng kalamidad ang kanilang kabuhayan may isang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Albano ang livelihood program ng PNRC ay itinaguyod ng Embassy of South Korea.

 

 

Show comments