Lolo basag ang ulo sa malaking tipak ng bato

Nasa larawan ang 71-anyos na biktima na si Melchor Balane Balderama na nasawi matapos mabagsakan at maipit ng isang malaking tipak ng bato ang kanyang ulo makaraang gumuho ang isang bahagi ng bundok na kina-quarry sa Purok-5, Brgy. Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay, kahapon ng umaga.
Kuha ni Jorge Hallare

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 71-anyos na lolo ang nasawi matapos mabagsakan at maipit ng isang malaking tipak ng bato ang kanyang ulo makaraang gumuho ang isang bahagi ng bundok na kina-quarry sa Purok-5, Brgy. Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay, ka­hapon ng umaga.

Naisugod pa sa paga­mutan sa Legazpi City pero namatay din habang ginagamot ang biktimang si Melchor Balane Balderama, residente ng Purok-6, Sitio San Antonio, Brgy. Fidel Surtida.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga kasama ang kaibigang si Ernesto Valera nagtungo ang biktima sa paanan ng bulkang Mayon para maghukay ng graba.

Gayunman, habang nag­huhukay ang biktima ay biglang gumuho ang bahagi ng bundok na may taas na aabot hanggang sampung metro at nabagsakan ng malaking bato ang kanyang ulo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Show comments