Lolo basag ang ulo sa malaking tipak ng bato
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isang 71-anyos na lolo ang nasawi matapos mabagsakan at maipit ng isang malaking tipak ng bato ang kanyang ulo makaraang gumuho ang isang bahagi ng bundok na kina-quarry sa Purok-5, Brgy. Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay, kahapon ng umaga.
Naisugod pa sa pagamutan sa Legazpi City pero namatay din habang ginagamot ang biktimang si Melchor Balane Balderama, residente ng Purok-6, Sitio San Antonio, Brgy. Fidel Surtida.
Sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga kasama ang kaibigang si Ernesto Valera nagtungo ang biktima sa paanan ng bulkang Mayon para maghukay ng graba.
Gayunman, habang naghuhukay ang biktima ay biglang gumuho ang bahagi ng bundok na may taas na aabot hanggang sampung metro at nabagsakan ng malaking bato ang kanyang ulo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
- Latest