CVO lumutang sa ilog
MANILA, Philippines — Natagpuan ang bangkay na lumulutang sa ilog ang isang miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) makaraan itong aksidenteng malunod sa Brgy. Banog Norte, Bani, Pangasinan kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Ricky Galzote Jr., 36-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ng Pangasinan Police, bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima habang tinatangay ng malakas na agos sa Banog Norte River.
Ang bangkay ay nadiskubre ng dalawang residente na sina Violeta Taganap, 69-anyos at Laurito Taganap, 71, isang magsasaka matapos na mapagawi sila sa nasabing lugar.
Ang biktima ay huling nakitang buhay noong Hulyo 17 ng alas-7 ng gabi habang sakay ng balsa pauwi sa kanilang tahanan. Gayunman, nabigong makauwi at ilang araw ding pinaghahanap ng kanyang pamilya.
- Latest