Hepe, 12 pang tauhan sinibak!

Kinumpirma ni Police Provincial Director P/Col. Joel Limson na kabilang sa mga na-relieve sa puwesto ang hepe ng Tanta­ngan Police Station na si Police Captain Romeo Albano na maaaring kasamang maharap sa kasong administratibo.

Wala sa istasyon sa surprise inspection

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Tanggal sa kanilang puwesto ang chief of police at 12 na tauhan matapos silang hindi madatnan ng mga opisyal ng National Police Commission (Napolcom) na nagsagawa ng sorpresang inspeksyon sa kanilang istasyon sa bayan ng Tantangan, South Cotabato, iniulat kahapon.

Kinumpirma ni Police Provincial Director P/Col. Joel Limson na kabilang sa mga na-relieve sa puwesto ang hepe ng Tanta­ngan Police Station na si Police Captain Romeo Albano na maaaring kasamang maharap sa kasong administratibo.

Sinabi ni Limson na ang pagsibak sa 13 pulis ay bahagi ng paglilinis sa kanilang hanay upang bumalik ang tiwala ng publiko sa pulisya.

Gayunman, bibigyan umano ng pagkakataon na makapagpaliwanag ang mga pulis dahil una na nilang sinabi na nasa operasyon sila kung kaya wala sila sa himpilan nang duma­ting ang inspection team ng Napolcom.

Ayon naman kay Napolcom-12 Regional Director Veronica Hatagque, magsilbing aral sana sa iba pang police personnel sa rehiyon ang pagkaka-relieve ng mga pulis sa Tantangan, South Cotabato. 

Show comments