^

Probinsiya

‘Mercury-based beauty products nagkalat sa Baguio’

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
‘Mercury-based beauty products nagkalat sa Baguio’
Ito ay ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner of EcoWaste Coalition matapos umano silang makabili ng nasa 15 uri ng skin whitening creams na pawang lahat ay lumampas sa 1 ppm allo-wable limit para sa mercury na kailangan taglayin ng produkto. Ang mga nabi-ling skin whitening creams ay mula umano sa Baguio Center Mall at sa Maharlika Livelihood Complex noong Hulyo 6.

BAGUIO CITY, Philippines — Nana­wagan ang EcoWaste Coalition sa pamahalaang lungsod ng Baguio na aksyunan at pigilan ang patuloy na pagkalat sa merkado ng mga mercury-based beauty products na nakasasama sa kalusugan ng tao.

Ito ay ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner of EcoWaste Coalition matapos umano silang makabili ng nasa 15 uri ng skin whitening creams na pawang lahat ay lumampas sa 1 ppm allo-wable limit para sa mercury na kailangan taglayin ng produkto. Ang mga nabi-ling skin whitening creams ay mula umano sa Baguio Center Mall at sa Maharlika Livelihood Complex noong Hulyo 6.

Ang mga beauty pro-ducts ay pawang galing umano sa ibang bansa, ‘di rehistrado at walang kaukulang market authorization mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Nabatid mula sa pag-aaral ng mga dalubhasa mula sa World Health Organization na anumang beauty products na lampas sa 1ppm na mercury content ay peligro sa kalusugan ng tao na maaaring magdulot ng skin rashes, discoloration, scarring, at makakapagbawas din ng resistensya ng balat na labanan ang fungal infection.

ECOWASTE COALITION

MERCURY-BASED BEAUTY PRODUCTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with