^

Probinsiya

P35 milyong cocaine lumutang sa dagat!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

Napulot ng nagpi-picnic

MANILA, Philippines — Pitong bloke ng hinihinalang cocaine na tinatayang nasa P35 milyon ang halaga ang lumutang at napulot ng mga nagpipiknik kahapon sa baybayin ng Mauban, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong ala-1 ng hapon nang madiskubre ang pitong bloke ng puting substance na hinihinalang cocaine sa Sitio Bulwagin, Brgy. Cagsiay 1, Mauban Quezon.

Nadiskubre ang nasabing droga matapos na ireport ng isang concerned citizen na nakakita sa mga bloke habang nagpipiknik sa naturang lugar kasama ang kanyang pamilya.

Kaagad namang rumes­ponde ang mga otoridad sa pangunguna ni P/Lt. Col. Julio Reyes Go ng Mauban Municipal Police Station sa nasabing lugar at nadiskubre ang may pitong bloke ng cocaine na pitong kilo ang timbang.

Sinabi ng mga otoridad na ang pagkakadiskubre ng cocaine ay dahil na rin sa aktibong suporta ng publiko para mapigilan ang pagpasok ng illegal na droga partikular na sa coastal areas ng bansa. 

Matatandaan na bloke-bloke ng cocaine ang magkakasunod na natagpuan sa mga baybayin ng Camarines Norte sa Habongan Brgy. Poblacion Cagidianao, Dinagat at sa lalawigan ng Quezon noong Pebrero.

 

COCAINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with