20-M turista daragsa sa Kabikulan

Ayon kay Cong. Joey Salceda ng ikalawang distrito ng Albay, nakatakdang makumpleto ang pagtatayo ng Bicol International Airport sa buwan ng Hunyo, 2020 at karagdagang apat na buwan para masimulan ang operasyo
businessworld

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  —   Inaasahang aabot sa bilang na 20-milyong turista ang daragsa sa Kabikulan sa taong 2025 kapag nabuksan at na­ging fully operational na ang ginagawang Bicol International Airport sa Brgy. Alobo sa bayan ng Daraga.

Ayon kay Cong. Joey Salceda ng ikalawang distrito ng Albay, nakatakdang makumpleto ang pagtatayo ng Bicol International Airport sa buwan ng Hunyo, 2020 at karagdagang apat na buwan para masimulan ang operasyon.

Si Salceda at Sec. Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr) ay nagkaroon ng pagkakataong magkausap at personal na hiningi ng kongresista sa kalihim ang mabilis na completion ng paliparan dahil sa ma­laking importansya nito sa turismo na magpapalakas ng ekonomiya sa buong Bikol.

Sa ngayon umano ay halos nasa 57 por­syento pa lamang ng vertical structures ng paliparan ang natatapos na kinabi­bilangan ng landslide facilities, terminal building habang kumpleto na ang runway at patuloy ang konstruksyon ng iba pang site development.

Ayon kay Salceda, long overdue na ang kons­truksyon ng paliparan na may kabuuang P4.7 bil­yong budget na sinimulan pa noong panahon ni da­ting pangulo at ngayo’y Pampanga Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo.

Show comments