^

Probinsiya

Away trapiko: Trader, driver utas!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Away trapiko: Trader, driver utas!
Namatay habang pilit na isinasalba sa Peter Paul Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Domingo Dialino ng Tiaong, Quezon samantalang namatay dead-on-the-spot ang driver na si Marvin Pomenden, 35, ng Sta. Ana, Manila.

Kotse at SUV nagkasagian

CANDELARIA, Quezon , Philippines  —   Patay ang isang negosyante at kanyang driver makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang driver ng SUV dahil sa road rage o away-trapiko sa bypass road ng Brgy. Masin Sur, bayang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay habang pilit na isinasalba sa Peter Paul Hospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan si Domingo Dialino ng Tiaong, Quezon samantalang namatay dead-on-the-spot ang driver na si Marvin Pomenden, 35, ng Sta. Ana, Manila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:49 ng gabi habang minamaneho ni Pomenden ang Hyundai Eon (AAA-9517) patungo sa Lucena City nang masagi ito sa tagiliran ng isang Toyota Fortuner (ATA-1751) na minamaneho ng hindi nakikilalang lalaki.

Parehong bumaba sa sasakyan ang dalawang driver at pinag-usapan ang danyos. Gayunman, nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa mairita umano ang suspek kung kaya’t bumunot ng baril at makailang beses na pinaulanan ng punglo si Pomenden at isinunod na pinagbabaril ang negos­yante na nakaupo sa loob ng sasakyan nito.

Matapos ang pamamaril, pinasibad ng suspek ang kanyang sasakyan patungo sa direksyon ng Lucena City.

Nakipag-ugnayan na ang Candelaria Police sa Highway Patrol Group (HPG), Sariaya Police at Lucena Police upang matunton ang posibleng pinagtataguan ng suspek at matukoy ang pagkakakilanlan nito.

ROAD RAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with