^

Probinsiya

P68-M shabu nasamsam sa poultry farm

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P68-M shabu nasamsam sa poultry farm
Ayon kay P/Col. Edwin Quilates, director ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Batangas Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Mariño Rica­blanca ng Regional Trial Court (RTC) ng Tanauan City ang poultry farm sa Brgy. San Francisco ng lungsod.

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam sa P68 milyong shabu sa isinagawang operasyon sa isang poultry farm na ikinaaresto ng caretaker ng farm sa Lipa City, Batangas nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay P/Col. Edwin Quilates, director ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-2:30 ng hapon nang salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Batangas Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Cynthia Mariño Rica­blanca ng Regional Trial Court (RTC) ng  Tanauan City ang poultry farm sa Brgy. San Francisco ng lungsod.

Arestado  sa operas­yon si Eugene Fernandez, caretaker ng poultry farm.

Nakumpiska sa ope­rasyon ang aabot sa 10 kilo ng shabu na itinago sa mga pakete ng kulay berdeng tea bag sa nasabing manukan.

Lumilitaw na ginaga­wang front ng suspek ang poultry farm para maging bodega o taguan ng shabu.

Isinailalim sa surveillance  operation matapos na magsimulang magduda ang mga awtoridad dito dahil sa kabila ng pagiging caretaker lamang ay malakas itong pumusta sa sabungan na may mga pagkakataong natatalo ng P500,000 at naging marangya rin ang pamumuhay.

Samantala, nakum­piska rin mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol  na baril na kargado ng bala, ilang paso na may tanim na marijuana at mga drug paraphernalia.

POULTRY FARM

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with