150 stude nahilo, hinimatay sa earthquake drill
Sa tindi ng init sa Batangas
MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ma-tinding init ng panahon ang dahilan upang isugod sa iba’t ibang pagamutan ang nasa 153 estudyante ng Bauan Technical High School sa lalawigan ng Batangas matapos mahilo at mawalan ng malay habang nagsasagawa ng earthquake drill, nitong Huwebes.
Sinabi ni Bauan Mayor Bodjie Casapao, nagsimulang sumama ang pakiramdam ng mga estudyante habang nagsasagawa ng nationwide earthquake drill sa kanilang paaralan da-kong alas-2:00 ng hapon kung saan sobrang init ng pana- hon ang naranasan sa lugar.
“Yung Bauan Technical High School, alas-2 :00 nagsimula ‘yung earthquake drill. Meron pang mga batang may health problem, nahilo, mainit ang panahon,” ayon kay Mayor Casapao.
Samantala, nitong Biyernes ng umaga, nabatid na nasa 90 mag-aaral ang dinala sa pagamutan matapos ring sumama ang pakiramdam habang nasa klase.
Kasama sa sumama ang pakiramdam ay mga mag-aaral na may sakit sa puso at asthma.
Sabi ni Belina Montalbo, head ng Municipal Disas- ter Risk Reduction Office, nasa 34 degrees Celsius ang naitalang temperatura kahapon at 32 degrees Celsius naman noong Biyernes ng umaga.
Sinabi naman ni Dr. Lili Orquid Gran Jorbina ng Bauan General Hospital, dehydrated umano ang mga bata dahilan upang sumama ang pakiramdam
Sinuspinde na ang klase sa naturang paaralan habang sasagutin naman ng lokal na pamahalaan ang gastusin sa ospital.
- Latest