^

Probinsiya

Butanding ng Donsol maglalaho sa minahan?

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Butanding ng Donsol maglalaho sa minahan?
Ito ang inihayag ni Mayor Josephine Alcantara-Cruz sa isang pulong balitaan kaugnay ng grand opening ng Butan­ding Festival ng Donsol simula noong Mayo 17 hanggang 24.

Legazpi City  , Philippines  —  Pina­ngangambahan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Don­sol, Sorsogon na maglalaho ang whaleshark na mas kilala bilang bu­tanding sa karagatan ng kanilang lugar dahil sa nakaambang pagmimina ng limestone sa bayan ng Camalig, Albay.

Ito ang inihayag ni Mayor Josephine Alcantara-Cruz sa isang pulong balitaan kaugnay ng grand opening ng Butan­ding Festival ng Donsol simula noong Mayo 17 hanggang 24.

Ayon kay Mayor Cruz, tumawag sa kanya si Mayor Jorem Arcangel ng bayan ng Jovellar sa Albay at hiniling na pagtulungan nilang kontrahin ang planong pagpapalawak ng operasyon ng Goodfound Cement Factory sa Brgy. Palanog ng Camalig at ang balak na makapagmina, ang isa pang panibagong mining company na nagsumite ng aplikasyon sa Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) -5 para makapagpatayo rin ng panibagong planta ng semento sa Brgy. Caguiba.

Bukod sa Goodfound Cement Factory na may kahili­ngang makapagmina pa ng limestone sa mga katabing barangay ng Miti, Bantonan, Baligang at Calabidongan, hinihiling din ng isa pang mi­ning company na makapag­lagay ng planta ng semento sa Brgy. Caguiba sa bayan rin ng Camalig.

Balak umano ng mga kumpanyang ito na gibain ang mga bundok ng nasabing limang barangay para kunin ang mil­yong tonelada ng limestone na pangunahing sangkap sa paggawa ng semento.

Pinangangambahang aagos sa Jovellar River ang mga bahagi ng gigibaing bundok na diretso sa Donsol River palabas ng karagatan ng Donsol.

Bukod pa ito sa dumi at mga kemikal na sangkap sa paggawa ng semento na pina­ngangambahang papatay sa mga plankton na pagkain ng mga butanding na dumadayo sa karagatan ng Donsol.

Sabi pa ni Mayor Cruz, posibleng mamatay ang industriya ng turismo ng kanilang lugar kung umalis na sa karagatan ang mga butanding.

Bawat taon, aabot sa 448 milyong piso ang kontribus­yon ng Butanding Festival sa bansa dahil sa pumapasok na dayuhang turista, 75 mil­yong piso ang kinikita ng mga mamamayan ng Donsol sa pumapasok na turista sa mga restaurants, hotel, bumibili ng mga souvenir item, sumasakay sa mga bangka para sa butanding interaction at iba pa. Aabot naman sa 1.3 hanggang 1.5 milyong piso ang pumapasok sa kaban ng munisipyo.

vuukle comment

BUTANDING

WHALESHARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with