Cavite , Philippines —Nadakip ang walong hinihinalaang mga tulak at gumagamit ng droga kabilang ang isang misis sa isang abandonadong bahay na ginawang One Stop shop ng droga sa isang drugbust operation ng General Trias Police sa pangunguna ni Police Supt. Paul Bometivo kahapon ng madaling araw sa Tierra Nevada Subdivision, Brgy San Francisco, Gen Trias, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina, Emelita Perey, nasa hustong gulang, nag-okupa sa abandonadong bahay at ginawa nitong one stop shop ng shabu at dati nang nakulong sa kaso ding droga; Jonathan Banaag, nasa hustong gulang, nasa drugwatch list ng pulisya; Rodolfo Alicante, nasa hustong gulang, dati na ding nakulong sa kasong Robbery; Christopher Llaban Jr; Rafael Gonzales, Jomarie Ponzalan, Jonnel Luna at si Rolando Golfeo, pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa panayam kay Col. Bometivo, alas-3:40 ng madaling araw ng isagawa ng mga ito ang isang drugbust sa target person na si Perey.
Nakuha sa mga suspek at sa loob ng bahay ang mga samut-saring drug paraphernalias at shabu na aabot sa mahigit sa 51 gramo na tinatayang may halagang mahigit kumulang sa kalahating milyong piso.