Baldo pinalitan sa puwesto ng kalabang vice mayor

MANILA, Philippines — Pinalitan na puwesto bilang alkalde si Mayor Calrwyn Baldo ng kanyang bise-alkalde na tumatakbo rin bilang mayor ng bayan ng Daraga, Albay noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni DILG Regional Director Anthony Nuyda pormal na ipinatupad ng mga tauhan ng Department of Interior and Local Goverment ang rules of succession, base sa Local Goverment Code of 1991 o Republic Act 7160 para kay Vice Mayor Victor Perete na uupo uli sa ikalawang pagkakataon bilang acting mayor.

Isinilbi ng mga taga-DILG ang desisyon ni Nuyda dakong alas-7:57 ng gabi makaraang kunsultahin si Comelec Regional Director Noli Pipo at makitang walang legal impedement sa pag-upo ni Perete sa posisyon ni Baldo makaraang sumuko ito sa korte dahil sa kasong murder at frustrated murder.

Awtomatiko namang umupo bilang acting vice mayor si Councilor Junjee Jaucian.

Si Perete at Jaucian ay magkasamang tumatakbo ngayon bilang mayor at vice mayor na kalaban ni Baldo at Gertie Batocabe na balo ng pinaslang na si Ako Bicol Partylist Cong. Rodel Batocabe.

Show comments