Umahon ang Olongapo kay Paulino
MANILA, Philippines — Simula nang manungkulan bilang alkalde ng Olongapo City si Rolen Paulino ay naging maunlad na umano ang lungsod at nakaahon na mula sa pagkakautang.
Ayon kay Mayor Paulino, nang magsimula ang kanyang termino ay P22-milyon lamang ang natira sa kaban ng bayan kung saan sa nasabing halaga ay kukunin pa ang sahod ng mga empleyado at bayarin sa pagkakautang ng lungsod. Subalit ngayon ay umaabot na sa P400-milyon ang pondo ng lungsod kaya maraming proyekto ang naisakatuparan at pa-tuloy na ginagawa. “Yan ang maganda ‘pag nagtitiwala ang tao sa namumuno, nagbabayad ng buwis ng tama at ito naman ay binabalik natin sa taong bayan,” ayon kay Paulino.
Matatandaang sandamakmak na problema ang minana ni Paulino sa nagdaang administrasyon partikular ang bilyong pisong pagkakautang ng lungsod sa kuryente kung saan ang taong bayan umano ang nagbabayad ngayon.
- Latest