Most wanted na Abu Sayyaf, timbog

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Police Brig. Gen. Emmanuel Licup, kinilala ang nasakoteng Abu Sayyaf na si Uring Akil, number 4 most wanted sa Isabela City, Basilan.

MANILA, Philippines — Nabitag ng mga elemento ng pulisya ang isang most wanted na  miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa patong-patong sa kasong pagpatay sa isinagawang follow-up operation sa Zamboanga City, kamakalawa.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 9 Director Police Brig. Gen. Emmanuel Licup, kinilala ang nasakoteng Abu Sayyaf na si Uring Akil, number 4 most wanted sa Isabela City, Basilan. 

Naaresto si Akil sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ng korte laban dito.

Si Akil ay isa sa mga tauhan ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama na namumugad sa Basilan at kilalang mi-yembro ng Anjawani gun for hire group na nag-ooperate sa Western Mindanao.

Isinailalim na sa kustodiya ng Regional Intelligence Unit (RIU ) upang  isalang sa masusing tactical interrogation.

Show comments