9,370 pulis, sundalo ide-deploy sa SOCCSKSARGEN
MANILA, Philippines — Umaabot sa 9,370 pulis at sundalo ang idedeploy upang mangalaga sa seguridad kaugnay ng gaganaping midterm elections sa Mayo 13 ng taong ito sa South Cotabato, Cotabato City, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City (SOCCSKSARGEN).
Ayon kay Police Lt. Colonel Aldrin Gonzales, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, ang deployment ng nasabing mga pulis at tropa ng mga sundalo para mapanatili ang katahimikan at katiwasayan sa halalan.
Sa nasabing bilang ay nasa 6,212 namang PRO 12 personnels at kabuuan namang 312 sundalo ang ipakakalat sa SOCCSKSARGEN.
Ang mga ito ay makakatuwang ng 2,846 mula sa AFP na siyang unang ipakakalat sa nasabing mga lugar nitong Biyernes.
Ang send-off ceremony sa nasabing bilang ay isinagawa kahapon sa himpilan ng PRP 12 sa Camp Tambler, General Santos City.
Bukod dito ay may mga pulis na ring sinanay para magsilbing Electoral Board kapag nabigo ang mga guro na gampanan ang kanilang tungkulin sa eleksyon.
- Latest