TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Dead-on-the-spot ang isang 42-anyos na obrero na binoga sa ulo ng isang dating sundalo ng Phl Army sa gitna ng kasiyahan sa kasalan sa Barangay Poblacion west, Flora, Apayao kamakalawa.
Sa report, nanonood ng sayawan si Ronald Busay, 42, nang biglang sumulpot ang suspek na si Silverio Juan, 49, saka siya pinuruhan
sa ulo dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Bumulagta ang biktima habang nagsipulasan ang mga sumasayaw at bisita sa okasyon na sinamantala naman ni Juan upang makatakas. Isang basyo ng bala ng cal.45 ang narekober ng SOCO sa lugar habang tinitingnan ng mga imbestigador ang personal na alitan na motibo sa krimen.