Japanese nalunod sa beach

MANILA, Philippines — Nauwi sa trahedya ang isang masayang bakasyon ng isang turistang Hapones matapos na malunod sa isang beach resort sa Brgy. Sabang, Puerto Galera, Oriental Mindoro kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang biktima na si Katsuyoshi Shibata, isang bakasyunista sa lugar.

Sa ulat ni MIMAROPA Police Director Thomas Apolinario, dakong alas-9:25 ng gabi noong linggo nang aksidenteng malunod si Shibata sa karagatan ng isang beach resort sa lugar.

Sa imbestigasyon, nag-diving si Shibata sa nasabing beach nang aksidenteng malunod.

Nagawa namang maiahon ng ilang divers si Shibata na mabilis na isinugod sa pagamutan. Gayunman, idineklara siyang dead-on-arrival sa Puerto Galera Hospital .

Kaugnay nito, muling pinayuhan ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac ang mamamayan, dayuhan man o lokal na turista na mag-ingat sa paliligo sa dagat, ilog, swimming pools at talon upang maiwasan ang mapahamak ngayong panahon ng bakasyon.

Show comments