^

Probinsiya

Graft vs Gov. Alvarez ibinasura

Pilipino Star Ngayon
Graft vs Gov. Alvarez ibinasura
Palawan Gov. Jose Alvarez
facebook

MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng ebidensiya, ibinasura ng Second Division ng Sandiganbayan ang kasong graft na kinakaharap ni Palawan Gov. Jose  Alvarez at dalawang iba pa.

 Bukod sa gobernador, dinismis din ang kaso laban kay Lorenzo Jamora, dating chairman ng Local Water Utilities Administration at Gaspar Gonzales, Jr., dating general manager ng Cagayan de Oro City Water District.

 Ayon sa desisyon, walang sapat na ebidensiya ang kasong isinampa mula sa isang abogado na nagpakilalang “Juan dela Cruz,” at isang Michelle Fox, na residente ng San Vicente, Palawan.

Pinaratangan nina Dela Cruz at Fox si Alvarez at ilang miyembro ng Board of Directors ng Cagayan de Oro City Water District na lumabag sa anti-graft law makaraang i-award ang Bulk Water Supply Project sa Rio Verde Water Consortium Inc.

Sa masusing imbestigasyon, lumitaw na walang ginawang paglabag sa batas si Alvarez na noon ay negos­yante pa lamang. Wala ring “over act” sa panig ni Alvarez na nagpapakita na humingi siya ng pabor, o pinilit niya ang Board of Directors para aprubahan ang proyekto kaya ibinasura ang kaso.

JOSE ALVAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with