Pantabangan Dam kaya ang 8.2 magnitude lindol

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Kakayanin umano ng dambuhalang Pantabangan Dam ang kahit na 8.2 magnitude na lindol, sakali mang tumama ito at maramdaman sa lalawigan ng Nueva Ecija sa hinaharap.

Ito ang tiniyak ng pamunuan ng National Irrigation Administration-Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA-UPRIIS) dito sa isinagawang media forum ng mga mi­yembro ng Nueva Ecija Press Club, Inc., noong Biyernes ng hapon sa loob ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) Hostel.

Ayon kay Engr. Ernesto Ponce, dam and reservoir division ma­nager ng UPRIIS, ang disenyo ng Pantaba­ngan Dam ay matatag at nakita itong ligtas sa kabila ng malakas na lindol na tumama noong Hulyo 16, 1990 kung saan nagtala ito ng 7.7 magnitude.

Sinabi pa ni Engr. Ponce na batay sa pag-aaral ng Japanese firm noong 1995, kung tatama man ang 8.2 magnitude na lindol ay kakayanin at ligtas pa rin umano ang Pantabangan Dam na matatagpuan sa Pantabangan, Nueva Ecija.

“Once in 200 years, o minsan lang sa loob ng 200 taon umano kung tumama ang super lakas na lindol,” kumpiyansang sabi pa ni Engr. Ponce.

Show comments