‘Gov’t resources, mga pulis ginagamit sa kampanya’
MANILA, Philippines — Ibinulgar ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang umano’y tahasang paggamit ng mga government resources at police escorts sa kampanya ng isang senador na ang hipag ay tumatakbong alkalde ng lungsod na mahigpit na katunggali ng kanyang anak na si Atty. LenJ Paulino.
Ayon kay Paulino, tahasang paglabag sa batas ang pag-escort ng mga tauhan ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng Subic Bay Metropolitan Authority sa isang kandidato, paggamit sa mga political sorties ng pasilidad ng Subic Bay Exhibition and Convention Center (SBECC) at ng lokal na Philippine National Red Cross (PNRC).
Malinaw umano na electioneering ang paggamit ng SWAT-SBMA at SBECC na nasa ilalim ng Government Owned and Control Controlled Corporation (GOCC) at maging ang PNRC na dapat umano ay isang volunteer organization na ginagamit sa pamumulitika.
“Walang jurisdiction ang SWAT-SBMA sa Olongapo na mistulang mga private army na para sa kanyang hipag, kawawa ang mga empleyado ng SBMA. Porke ba senador siya ay binabali na niya ang batas,”? ayon pa kay Paulino.
- Latest