2 studes na-gang rape na, hinoldap pa
Motor ng 2 kasama, tinangay din
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Pinaghahanap ngayon ang tatlong lalaki na nang-rape sa dalawang estudyante na kanilang hinoldap at tinangay pa ang motor ng kanilang kasama sa bayan ng Diadi, Nueva Vizcaya, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang mga suspek na sina Johny Dulnuan, Jake Dulnuan na kapwa residente ng Hingyon, Ifugao at isang alias “Balbas” ng Tabuk, Kalinga.
Sa ulat sa pulisya, binabagtas umano ng dalawang motorsiklo na minamaneho nila Kim Oliver Flores, 19, at Michael John Magyano, 18, kapwa residente ng Brgy. Arwas at magkahiwalay na angkas ang dalawang estudyante na itinago sa mga pangalang Elsa, 19, at Emma, 17, nang harangin sila ng tatlong suspek na armado ng mga baril pagsapit sa Brgy. Ampakleng sa nasabing bayan.
Tinutukan umano ang apat na magkakaangkas na biktima at kinuha ang kanilang mga kagamitan at pera. Hinatak umano ng dalawa sa mga suspek sina Elsa at Kim at ginahasa sa maisan sa tabi ng kalsada habang ang isa pang suspek ay tinutukan ang dalawang driver ng motorsiklo.
Matapos makaraos, tinangay ng mga suspek ang isang motorsiklo ng mga biktima na ginamit sa kanilang pagtakas.
Ayon kay P/Capt. Odlanyer Endri, hepe ng Diadi Police, ang tatlong mga suspek ay nakilala nang makita umano sila sa isang kasalan na sumasayaw bago maganap ang insidente.
- Latest