2 bulagta sa laklakan
MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos ang mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril sa gitna ng isang inuman sa Purok 10 A, Brgy. Sinunuc, Zamboanga City nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ni P/Chief Insp. Helen Galvez, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 9 ang mga nasawi na si Benzar Amilbangsia, 46 at kaanak na si Amirol Amilbangsia; pawang dead-on-the-spot sa insidente.
Ang isa pang biktima na nakilala namang si Nasri Salahuddin ay isinugod sa Zamboanga City Medical Center para malapatan ng lunas. Pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Mohammad Isiri, 46, ng Brgy. Mampang ng nabanggit na siyudad.
Sa imbestigasyon, alas-12:25 ng hapon habang nag-iinuman ang mga biktima nang magkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pamamaril ng suspek sa tatlo.
- Latest