2 tserman inambus sa Pampanga

Sa report na nakarating kay Central Luzon Police Di­rector Chief Supt. Joel Napo­leon Coronel, naganap ang insidente nang pauwi sa bayan ng Apalit mula sa isang Peace Covenant Signing ng mga kandidato sa San Fernando City sina Chairman Nicolas Gardiner ng San Vicente at Renato Pacia ng Sampaloc sakay ng Honda City ng nauna.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang kapitan ng barangay matapos silang ambusin ng pinaniniwalaang hired killer habang sakay ng kanilang kotse sa McArthur Highway, Sto. Domingo, Mina­lin, Pampanga noong Miyer­kules.  

Sa report na nakarating  kay Central Luzon Police Di­rector Chief Supt. Joel Napo­leon Coronel, naganap ang insidente nang pauwi sa bayan ng Apalit mula sa isang Peace Covenant Signing ng mga kandidato sa San Fernando City sina Chairman Nicolas Gardiner ng San Vicente at Renato Pacia ng Sampaloc sakay ng Honda City ng nauna.

Ayon sa report, dakong alas-4:15 ng hapon nang ha-bulin ng itim na Toyota Fortuner ang mga opisyal saka sila pinaulanan ng bala ng sakay nitong gunman. Nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang balikat si Gardiner habang ligtas at saglit na natulala si Pacia.

Isinugod ng mga sumaklolo ang dalawa sa Jose Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City habang inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa nangyaring krimen.

Show comments