Misis tsinap-chop, lover todas

Ang kinarneng biktimang si Lindsey Avelino ay natagpuang putol-putol ang ilang bahagi ng katawan sa loob ng washing machine at maleta sa kanilang tahanan sa Brgy. Amsic ng lungsod na ito dakong alas-7:00 ng gabi nitong Lunes o ilang oras matapos ang krimen.
File Photo

Isinilid sa washing machine

MANILA, Philippines — Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 28-anyos na ginang nang matapos patayin ay saka walang awang tsinap-chop ang katawan bago isinilid sa washing machine at maleta ng kanyang live-in partner na napatay naman ng mga otoridad nang manlaban nang aarestuhin ng pulis, naganap sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes.

Ang kinarneng biktimang si Lindsey Avelino ay natagpuang putol-putol ang ilang bahagi ng katawan sa loob  ng washing machine at maleta sa kanilang tahanan sa Brgy. Amsic ng lungsod na ito dakong alas-7:00 ng gabi nitong Lunes o ilang oras matapos ang krimen.

Nakita naman ang ulo, hita at mga kamay ng biktima na isinilid sa isang itim na maleta na itinapon sa isang bakanteng lote sa lugar ’di kalayuan sa kanilang tahanan.

Sa ulat ni Supt. Narwin Mangune, hepe ng Angeles City Police, ang suspek na live-in partner ng biktima ay kinilalang si Eduardo Pasion, 40-anyos, ay napaslang naman sa shootout matapos na manlaban sa arresting team ng pulisya.

Ayon sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na si Pasion ay isang manggagawa sa isang miniature airplane manufacturing company ay nangumpisal umano sa kaniyang employer hinggil sa naganap na krimen.

Agad namang ini-report ng employer ni Pasion ang insidente sa pulisya na mabilis na nagresponde sa lugar pero sa halip na sumuko ay nagpaputok ng baril ang suspek na nauwi sa shootout dahilan upang ito’y mapatay ng mga otoridad.

Lumilitaw naman na matin­ding selos ang motibo sa kri­men dahil naghihinala umano ang suspek na may ibang ka-relasyong lalaki ang live-in partner matapos itong makaramdam ng panlalamig sa kanilang pagsasama.

Narekober naman sa pi­nangyarihan ng shootout ang cal. 9mm pistol na ginamit ng suspek sa pakikipagbarilan sa mga otoridad.

Show comments