^

Probinsiya

3 kritikal sa pagsabog ng LPG tank

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE – , Philippines  —  Nasa malubhang kalagayan ngayon ang tatlong magkakaanak matapos sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) nang mag-leak ito habang nagluluto at tangkaing kumpunihin ng isa sa mga biktima sa Brgy. Sto. Niño, Damariñas, ng lalawigang ito, kahapon ng umaga. Ang mga biktimang nagtamo ng matinding pagkalapnos ng balat sa katawan at mukha sanhi ng pagkasunog ay kinilalang sina Ronnieco Grana, 54, may asawa, Giselle Grana, 44, at Gabriel Llantino  Grana, 32 anyos  pawang mga  residente ng Blk. 61 Lot. 13 ng naturang lugar. Sa ulat, dakong alas-6:12 ng umaga kasalukuyang nagluluto ng kanilang almusal ang biktimang si Ronnieco sa kanilang kusina nang makaamoy umano ito ng gas.

Dali-dali umano nitong tiningnan ang kanilang lpg tank at pinagtulungang kumpunihin ngunit bigla itong sumabog. Tumilapon ang tatlong biktima habang tuluyan namang nagliyab ang kanilang bahay na masuwerteng agad namang naapula sa tulong ng kanilang mga kapitbahay samantalang agad din silang naisugod sa pagamutan.

EXPLODE

IQUIFIED PETROLEUM GAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with