State of calamity sa 5 bayan ng N. Cotabato

KIDAPAWAN CITY  , Philippines  —  Limang mga bayan sa North Cotabato ang nagdeklara na ng “state of calamity” dahil sa matin­ding init na nararanasan o El Niño ngayon.

Kabilang sa mga bayan na nagdeklara ay ang Alamada, Aleosan, Mlang, Tulunan at Pikit.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Warning at Action officer Engineer Arnulfo Villaruz, sa monitoring ng PAGASA, napabilang ang Region 12 sa low amount of rainfall at halos lahat aniya ng munisipyo ay apektado na ng ma­tinding init. Dahil dito, ekta-ektaryang pananim ang lubhang naapektuhan ng matinding tag-init.

Nakararanas na rin ng heat stress ang ilang mga hayop sa bayan ng Mlang dahil sa matinding init.

Ayon kay Villaruz, nag-umpisa na silang na­migay ng ayuda sa mga bayan na labis na naapektuhan ng tagtuyot.

Mahigit sa 23,000 households o 25% ng to­tal local population ang tinata­yang maapek­tuhan ng El Niño sa Kidapawan City, ayon sa datos ng City Social Welfare and Deve­lopment Office habang aabot sa 700 ektaryang maisan at 1,200 ektar­yang palayan at gulayan ang tinatamaan ng tagtu­yot. 

Show comments