SANTA ANA, Cagayan , Philippines — Isinagawa kahapon ang pinakaaabangang groundbreaking para sa itatayong pinakamodernong syudad na tinatayang nasa $4.5 bilyon ang halaga na itatayo sa bayang ito kasabay ng ika-24 anibersaryo ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA). Ayon kay Secretary Raul Lambino, CEZA administrator at chief executive officer, ang proyekto na tinawag na “City Polaris” ay itatayo sa may 2013-ektarya na lupain ng Barangay Mapurao.
Matatagpuan sa modernong syudad ang mga itatayong six-star hotels, casinos, golf courses, cyberpark for digital currency, business park, civic center, tertiary hospital, condominium buildings, premium villas, mga online gaming operations na gawa sa mga makabagong teknolohiya. “The City Polaris would combine some of the best innovations of 21st-century technology,” pahayag ni Lambino.