24 loose firearms isinurender sa Ampatuan

Ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force (JTF) Central at Army’s 6th Infantry Division (ID) ang 26 matataas at maiikling kalibre ng armas ay mula sa mga lokal na residente ng 11 barangay sa nasabing bayan.

MANILA, Philippines — Isinurender ng mga residente ang 26 ma­tataas at maiikling mga kalibre ng armas sa tropa ng militar sa ba­yan ng Ampatuan, Maguindanao kahapon ng umaga kaugnay ng pinaigting na kampanya kontra loose firearms upang matiyak ang mapayapang midterm elections sa Mayo ng taong ito.

Ayon kay Major Gen. Cirilito Sobejana, Commander ng Joint Task Force (JTF) Central at Army’s 6th Infantry Division (ID) ang 26 matataas at maiikling kalibre ng armas ay mula sa mga lokal na residente ng 11 barangay sa nasabing bayan.

Nabatid na ang pagta-turnover ng mga armas ay pinangunahan ni Ampatuan Mayor Rasul sa ginanap na seremonya sa Ampatuan Municipal Hall.

Kabilang sa mga isinurender ay 12 gauge shotgun, apat na cal 38 revolver, isang M203 grenade launcher, da-lawang cal 45 pistol, isang 12 gauge pistol, dalawang M79 grenade launcher, isang M1 garand rifle at isang 60 MM mortar.

Samantalang hinikayat ni Sobejana ang lahat ng mga  residente sa mga munisipalidad sa kaniyang nasasakupan na isurender ang mga baril na walang lisensya  sa Central Mindanao.

Show comments