^

Probinsiya

Bambanti Festival pasok sa Guinness

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines— Muling kinilala ang Pilipinas matapos makapasok sa Guinness World Records ang Bambanti Festival ng lalawigang ito nang sumayaw ang libu-libong bilang ng mga estudyante na nakasuot ng “Panakot Ibon” scarecrow kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-7:45 ng gabi nang ideklara ni Paulina Sapinska, opisyal na adjudicator at kinatawan ng Guinness World Records ang taunang pagdiriwang ng “Bambanti Festival” bilang pinakabagong world record dahil sa pagsayaw nang sabay-sabay habang nakasuot ng scarecrow na damit sa iisang lugar. 

Sa isinagawang beripikasyon ng Guinness World Records, umabot sa 2,495 mga scarecrow dancers ang sumayaw nang tuluy-tuloy na umabot sa mahigit dalawang oras na mas malayong higit sa 5 minutong pagsasayaw ng 250 katao na itinakdang  basehan ng Guinness World Records. 

“After the proper verification and witnessing your event, the Bambanti Festival set the new world record for largest human scarecrow dancers with 2,495 participants,” pahayag ni Sapinska. 

“Isabela, this is for you,” ayon naman kay Governor Faustino “Bojie” Dy III habang tinatanggap ang certification mula sa Guinness World Records kasama si Vice Gov. Tonypet Albano. 

Ayon kay Dy, ang nasabing pagkilala ay bunga ng kasipagan ng mga residente lalo na ang mga magsasaka na naging dahilan para makilala ang Isabela na pangunahing corn producer at pinakamalaking rice surplus producer.

Itinanghal din ang Bambanti bilang Aliw Award Hall of Famer nitong 2018 bilang Best Festival Performance and Practice mula 2015, 2016, 2017.

vuukle comment

BAMBANTI FESTIVAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with