Pugante nanlaban, dedo
MANILA, Philippines — Isang takas na bilanggo ang napatay ng mga otoridad nang sa halip na sumuko ay nanlaban ito makaraang masakote ng mga pulis sa isinagawang man hunt operation sa Brgy. Dabiak, Katipunan, Zamboanga del Norte, kamakalawa. Kinilala ang napatay na pugante na si Roger Gumial, 32, may kasong murder na tumakas sa Zamboanga del Norte Reformatory Facility noong Enero 7, 2019.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang matunton ng arresting team ng pulisya ang pinagtataguan ng pugante sa bahay ng biyenan nito sa naturang lugar.
Gayunman sa kabila ng napapalibutan na ng mga operatiba ang bahay na pinagtataguan ni Gumial ay tumanggi itong sumurender at akmang tatanggalan ng pin ang hawak na granada na plano nitong ibato sa mga pulis.
Sa puntong ito, hindi nag-aksaya ng pagkakataon ang arresting team na agad nagpaputok ng baril na sumapul sa nasabing takas na preso.
- Latest